Pangasinan Gov. Espino, umapela sa mga LGU’S na suportahan ang National Tourism Week

Nanawagan si Pangasinan Gov. Amado T. Espino Jr sa mga ibat ibang Local Government Units, National Government Agencies at mga pribadong sektor na maging aktibo sa paghahanda para sa National Tourism Week na nakatakdang isagawa sa darating na buwan ng Setyembre.

Ayon kay Gov. Espino, ang naturang selebrasyon ay may layuning imulat ang mga mamamayan na ang turismo ay isang paraan sa mabilis na pag-angat ng probinsya at ng buong bansa.

Sa pamamagitan din nito ay umiigting ang pagkakaisa ng taumbayan kung kaya’t maganda ang nagiging reputasyon ng bansa sa buong mundo.

Matatandaang ang turismo ang isa sa yaman ng Pangasinan dahil sa nag-gagandahang tourist spots na paboritong puntahan, hindi lang ang local na turista kundi pati ang mga dayuhan .

Speak Your Mind

*