Pangasinan Government, muling namahagi ng PhilHealth Card.

Muling namahagi ng Health Insurance Cards ang Provincial Government sa mga residente ng bayan ng Binmaley at Sison, Pangasinan.

Umabot sa kabuuang 1,548 ang naipamahaging PhilHealth Card kung saan ang 386 dito ay new enrolees habang 1,162 dito ang mga nag-renew lamang.

Sa pinakahuling bilang, meron nang 111,055 active card holders ang Philippine Health Insurance Corp. sa ilalim ng sponsorship ng Provincial Government.

Ayon kay Vice Gov. Jose Ferdinand Calimlim, Jr., ang philhealth card ay isang maliit na card lamang na nakapagbibigay ng malaking ginhawa para sa mga may sakit at mahihirap na mga Pangasinense.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nanguna ang lalawigan ng Pangasinan sa buong bansa sa may pinakamaraming philhealth card, isang health program ng probinsya para sa mga indigent families.

Speak Your Mind

*