Pangasinan Provincail Jail, mahigpit na pinababantayan ni Gov. Espino.

Inatasan ni Governor Amado T. Espino, Jr.  ang lahat ng personnel ng Pangasinan Provincial Jail na maging mapagbantay at gawin ang tungkulin upang maiwasan ang pagkakaroon na naman ng jailbreak.

Ang panawagan ni Gov. Espino ay bunsod ng tatlong buwang pagkakasuspinde ni Assistant Provincial Jail Warden Rogelio Paglingayen dahil sa pagkakatakas ng isang preso na si Marlon Moreno, noong enero at kasama sa nasuspindi ang mga jailguards na sina Vincent Arcelona at Reynante Cabic at anim na iba pa.

Matindi ngayon ang ginagawa ni Gov. Espino sa paglilinis sa burukrasya kaya naman lahat ng disciplinary action ay gagawin niya upang maging leksiyon din ito sa mga ibang manggagawa ng probinsya.

Speak Your Mind

*