Pangasinan Red Cross, aminadong matagal ng problema ang kakulangan ng supply ng dugo.

Aminado ang Pangasinan Red Cross na matagal nang problema ng kanilang tanggapan ang kakulangan ang supply ng dugo.

Ayon kay Red Cross–Dagupan Chater Flora Mae Magalong, hindi paman dumarating ang ganitong panahon na kabila-kabila ang nangangailangan ng dugo dahil sa sakit na dengue ay nagkukulang na ang kanilang supply.

Ayon kay Magalong, isa sa nakikita niyang dahilan ay ang kawalan ng enteres ng tao na boluntaryong mag-donate ng dugo.

Dahil dito, umapela si Magalong sa publiko na mag-donate ng dugo dahil isa umanong social responsibility ng tao ang mag-donate ng dugo lalo na ngayon dahil kailangan nila ng mahigit sa isang daang unit ng dugo kada araw.

Speak Your Mind

*