Pangasinan Red Cross, aminadong nagkukulang sa supply ng dugo.

Aminado ang Pangasinan Red Cross na nagkukulang ang supply ng dugo sa kanilang tanggapan para sa pangangailangang ng buong lalawigan.

Ayon kay Red Cross–Dagupan Chater Flora Mae Magalong, kailangan nilang mamintina ang 119 unit ng dugo sa bawat araw o 3,500 na unit ng dugo bawat buwan upang makuha o ma-meet nila ang target na 0.10 na stock ng dugo.

Dahil dito, nananawagan si Magalong sa mga Pangasinense na ugaliin at boluntaryong magpakuha ng dugo dahil nangangailangan pa sila nang mahigit 60 porsyento upang mapunan ang kakulangan ng dugo.

Samantala, kinumpirma ni Magalong na mayroon talagang nagpo-positibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang yunit ng dugo na naibibigay na donasyon sa Department Of Health (DOH).

Ngunit nilinaw ng Red Cross na wala pa naman silang natutuklasang kontaminado ng nasabing virus sa lalawigan ng Pangasinan, sakali aniyang mangyari ito, nakahanda ang kanilang tanggapan.

Speak Your Mind

*