PDRRMC, nilinaw na hindi nagpakawala ng tubig ang San Roque Multi Purpose Dam.

Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, na hindi nagpakawala ng tubig ang San Roque Multi Purpose Dam.

Ayon kay Avenix Arenas ang tagapagsalita ng PDRRMC, mula noong Biyernes hanggang sa kasalukuyan ay naka-monitor ang kanilang tanggapan para matiyak ang kalagayan ng San Roque Multi Purpose Dam kaugnay sa pananalasa ng bagyong Mina.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni Arenas na kaninang ika-walo ng umaga ay nasa 265.79 meter above sea level pa lamang ang elevation ng water level ng dam.

Malinaw aniya na kailangan pa ng 14 meter na tubig bago ang spilling level nito na 280 meter above sea level.

Idinagdag pa ng PDRRMC na mayroong sinusunod na protocol ang San Roque Dam na kailangang ipagbigay alam muna sa kanilang tanggapan kung kailangan ng magpakawala na ng tubig kasama na ang media advisory.

Speak Your Mind

*