Presyo ng Dagupan Bangus, balik na sa normal.

Balik sigla na ang bentahan at industriya ng bangus sa lungsod ng Dagupan dahil balik narin umano sa normal ang presyo nito.

Matatandaan na lubhang naapektuhan ang bintahan ng bangus sa lungsod matapos na tamaan ng fishkill nitong nakaraang buwan ang lalawigan partikular na sa Westhern Pangasinan.

Sa ngayon balik na sa normal ang presyo ng bangus sa halagang P80 hanggang P90 kada kilo.

Ayon kay Dagupan City Agriculturist Emma Molina na naging epektibo ang sinubukan nilang ipinatupad ng dalawang linggo pagre-regulate sa pagpasok ng mga bangus sa lungsod mula sa Westhern, Pangasinan.

Bunsod nito, nagkaroon umano ng tiwala ang mga negosyante sa pagbili ng bangus sa lungsod, kaya posibleng aniyang tuluyan na nilang ipatupad ang naturang programa para sa pagbumangon pa sa industriya ng bangus Dagupan.

Speak Your Mind

*