Promosyon ng mga produktong bangus, dinala ni Vice Mayor Fernandez sa Amerika.

Pagpo-promote ng Bangus Industry ang isa sa mga pakay ng grupo ni Vice Mayor Belen Fernandez sa kanilang dalawang linggong pagbisita sa Estados Unidos.

Kasama na rin aniya dito ang Bangus Processing Plant sa Barangay Bonuan Binloc para sa mga investors na nagdadala ng kanilang produkto sa Amerika.

Sinabi ni John Maramba, isang negosyante at exporter ng bangus sa Amerika sa isang pagpupulong sa BFAR Dagupan na nasubukan na niyang magpa-proseso ngĀ  bangus sa BFAR at laking tuwa niya na pasado ito sa International Standard ng Amerika.

Ito ay patunay aniya na kapag sama sama ay malaki ang magagawa sa promotion ng bangus.

Mas makabubuti ayon kay Maramba na hayaan na lamang sa kasalukuyang set up ang pagpapatakbo ng Bangus Processing Plant sapagkat ang lahat ay welcome upang gamitin ito sa murang halaga.

 

Speak Your Mind

*