Provincial Health Office, dagdag-bawas sa dengue watchlist sa Pangasinan.

Anim na bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang tinanggal na sa dengue watchlist ng Provincial Health Office (PHO) dahil sa pagbaba ng bilang ng kaso ng dengue sa lugar.

Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Ana De Guzman na bunga ito ng pagsisikap ng mga lokal ng opisyal kasama ang mga komonidad na malabanan ng pagdami ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Idinagdag pa ni Dr. De Guzman na kahit mataas ang kaso ng dengue sa Pangasinan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, mababa naman ang kaso ng murtality nito ngayon taon.

Samantala, anim na bayan naman sa lalawigan ang nadagdag sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng dengue kabilang dito ang bayan ng Mapandan, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Asingan at Alaminos City.

Nabatid na ang mga natanggal sa dengue watchlist ng Provincial Health Office ay ang bayan ng Binmaley, Lingayen, Pozurrobio, Mangatarem, Anda at Bayambang, Pangasinan.

 

 

Speak Your Mind

*