San Roque Dam, iginiit na may sinusunod na protocol bago mag-release ng tubig sa dam.

Binigyang diin ng pamunuan ng San Roque Multi Purpose Dam na may sinusunod silang protocol sakali mang kailanganin nilang mag-release ng tubig sa dam.

Nilinaw din ni Tom Valdez, ang Vice President For Corporate Social Responsibilities Ng San Roque Dam, na oras oras silang magbibigay ng impormasyon sa mga kinauukulan hinggil sa kalagayan ng dam at kung sakali mang mag-re-release sila ay maglalabas silang ng warning tatlo hanggang apat na oras bago ito gawin.

Inihayag naman ni Valdez na wala na silang nakikitang pagre-lease dahil tuluyan ng lumabas sa bansa ang bagyong mina kung saan umabot na sa 278.1 meters above sea level ang tubig dam dahil sa sunod-sunod na pag-ulan pero wala pa raw dapat ikabahala rito ang publiko.

Nilinaw ni Valdez na maaari pa itong paabutin sa 290 meters above sea level mula sa 280 meters above sea level para hindi ito magdulot ng pagbaha sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*