Spilling gates sa San Roque Dam, nananatilng sarado, pangamba ng publiko sa posibleng pagbaha, pinawi.

Binigyang diin ng pamunuan ng San Roque Multi Purpose Dam na may sinusunod silang protocol mula sa Provincial Government sakali mang kailanganin nilang mag-release ng tubig.

Ito ang iginiit ni Tom Valdez, ang Vice President for Corporate Social Responsibilities ng San Roque Dam, kasabay sa pagsasabing nananatiling sarado ang anim na spilling gates ng dam taliwas sa mga ulat na may kinalaman ang San Roque Dam sa mga pagbaha ngayon sa ilang bayan sa Pangasinan.

Inihayag naman ni Valdez na umabot sa 17 meters above sea level ang itinaas ng tubig sa san roque dahil sa sunod-sunod na pag-ulan pero wala pa raw dapat ikabahala rito ang publiko.

Idinagdag pa ni Valdez na kung magpapatuloy ang pagtaas ng volume ng tubig sa dam hanggang bukas ay posibleng umabot na sa 270 meters above sea level ibig sabihin, 10 metersĀ  nalang bago ang spilling level.

Ngunit nilinaw ng pamunuan ng San Roque Dam na maaari pa itong paabutin sa 290 meters above sea level para hindi magdulot ng pagbaha sa lalawigan.

 

Speak Your Mind

*