Supply ng NFA Rice sa Region I sapat umano, presyo nito, bahagyang tumaas.

Tiniyak ng National Food Authority – NFA Regional Office na hindi magkukulang ang supply ng nfa rice sa buong Rehiyon Uno.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni NFA Regional Manager Danilo Pastrana na base sa kanilang imbentaryo, umaabot pa sa 2.3 milyong sako ng NFA Rice ang kanilang stock sa ngayon.

Malayo pa umano ito para ipangamba ng publiko dahil tinatayang aabot pa sa limampung araw ang kaya nitong supplayan.

Sinabi din ni Pastrana na patuloy din ang kanilang mga programa para makalikom ng bigas, bukas aniya ang kanilang tanggapan para sa mga kooperatiba at indibuwal ng magsasaka kung saan bibiliin nila ang mga palay sa halagang P17 kada kilo.

Samantala, aminado naman ang NFA na nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng NFA Rice sa Pangasinan kung saan dalawang piso hanggang tatlong piso ang naging pagtaas sa presyo mula sa ibinebentang P25 kada kilo ay naging P27 na kada kilo habang ang P26 kada kilo ay naging P28 na kada kilo.

Speak Your Mind

*