Batas trapiko ng calasiao, planong amiyendahan dahil sa nalalapit na pagbubukas ng robinson mall.

Pinag-aaralan na ng Sangguniang Bayan ng Calasiao ang posibleng pag-amiyenda sa batas trapikong kanilang ipinatutupad dahil sa nalalapit na pagbubukas ng Robinson Mall.

Sa panayam ng Sonshineradio, inihayag ni Vice Mayor Roy Macanlalay na posibleng sa disyembre o sa unang buwan ng susunod na taon magbubukas ang Robinson, kaya ngayon palang ay pinag-aaralan na nila ang magiging epekto nito sa daloy ng trapiko.

Sinabi ni Macanlalay na nais nilang makaikot ang mga jeep na may biyaheng Calasiao-Dagupan sa Robinson upang makatipid naman sa pamasahe ang mga Riding Public.

Ayon kay Macanlalay, una na nilang nasabihan ang Robinson para sa pagbibigay ng lane sa mga jeep gaya ng ginagawa sa sa Sm Carmen- Rosales, na makapag u-turn upang makapag-sakay at makapag-baba ng mga pasahero.

Ngunit iniisip din umano nila na baka maapektuhan ang mga bumabyaheng trycicle driver dahil sa pabor na maibibigay sa mga jeep driver kung saan ang nais lamang nila na mabigyan ng patas na mapagkakakitaan.

Dahil dito, pinag-aaralan nilang mabuti ang sinaryo at kapag nakabuo na ng plano ay saka nila ipapatawag ang transport group upang hingan ng opinyon.

 

Speak Your Mind

*