Youth Development Plan, isusulong ng National Youth Commission sa Lungsod ng Dagupan.

Itinakda ng National Youth Commission na pagsasagawa nila ng Regional Consultation sa darating na lunes, August 8, 2011 sa Multi-Purpose Hall ng University of Luzon sa Perez Boulevard, Dagupan City para sa gagawing formulation ng Philippine Youth Development Plan (PYDP).

Ayon kay Area Officer Armando Angeles ng NYC Northern Luzon, na pormal na sisimulan ng komisyon ang paggawa ng development plan bilang bahagi o companion document ng naaprubahan nang Philippine Youth Development Plan para sa taong 2011 hanggang 2016.

Sinabi pa ni Angeles, na kanilang i-identify ang mga key issues na kinakaharap ngayon ng mga kabataan, upang makagawa sila ng mga polisiya at mga istratehiya na makapagbibigay ng tamang opotunidad at matukoy ang mga role na dapat nilang gampanan para makatulong sila na mai-angat ang ekonomiya ng bansa.

Speak Your Mind

*