DSWD Regional Office, pinabulaanan ang nagagamit sa pulitika ang kanilang programa.

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development Regional Office 1 ang mga ilang lumalabas na balitang nagagamit ang mga naturang programa ng gobyerno ng ilang mga individual na politiko para sa kanilang kapakanan.

Iginiit ni Irene Delos Reyes Information Office ng DSWD Region 1, na walang impluwensya ng mga politiko na maging ng mga lokal na punong ehekutibo o kahit na ng mismong mga DSWD Official sa pagpili ng mga mahihirap na pamilyang maaaring maging beneficiaries ng programang ng gobyerno lalo na ang Pantawid Pampamilyang Pilipino Program.

Ang lahat umano ng mga magiging beneficiary ng naturang programang ito ay dumadaan  sa masusing House Hold Assesment, kasama na dito ang uri ng pamumuhay, edukasyon at kalusugan ng miyembro ng pamilya, maging ang uri ng pagkakagawa ng kanilang bahay.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang lahat ng ito ay may katumbas na puntos na siya namang magdiditermina kung nararapat sila na maging beneficiaries sa naturang programa.

Ayon pa kay Delos Reyes na ang lahat ng mga nakalap na data ng mga inumerators kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga mahihirap na Pamilyang Pilipino, ay dumadaan sa kanilang Computerized Data Base System kung saan ito ang mag-iidentify kung nararapat bang beneficiaries ang isang pamilya o hindi.

Speak Your Mind

*