First Class Municipalities at Cities dito sa Pangasinan, kabilang parin sa Pantawid Pampamilyang Pilipino Program.

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 1 na kabilang parin kanilang Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4’P) ang mga first class na municipalities at cities dito sa lalawigan ng pangasinan.

Ayon kay Irene Delos Reyes Information Office ng DSWD Region 1, hindi batayan sa naturang programa ang income classification ng isang syudad o munisipyo upang mapunta o hindi ang naturang programa.

Ang batayan aniya ng programang ay kung gaano kadami ang mga naghirap na pamilya sa isang lugar.

Sa katunayan, sinabi ni Delos Reyes na dito sa Dagupan ay umaabot sa 2,342 ang mga beneficiaries ng naturang programa at humigit kumulang na sa P8 157 000.00 ang invesment na naibigay na ng DSWD para mga sa mga beneficiaries na binubuo ng 16 na Barangay sa lungsod.

Ganunpaman, inamin ni Delos Reyes na sa isang programa o sistema ay hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali, kung saan patuloy nilang inaayos sa ngayon ang 5% inclusion at exclusion marginal errors sa kanilang data.

Speak Your Mind

*