Governor Espino, hinimok ang mga Pangasinense na magsalita ng lenguaheng Pangasinan.

Binigyang diin ni Gov. Amado t. Espino Jr. Sa paglulunsad ng ‘ I Love Pangasinan Campaign’ na ipakita ang pagmamahal sa probinsya ng Pangasinan sa pamamagitan ng gawa lalo na sa kalinisan at disiplina sa sarili sa tahanan at sa mga eskwelahan.

Hinimok din ni Gov. Espino ang bawat Pangasinense na dapat marunong magsalita ng Pangasinan na lenguahe kahit sa simpleng pananalita lang.

Aniya, nakakahiya umano kung tinanong ang mga pangasinense na magsalita ng Pangasinan at hindi alam magsalita ng sariling lenggwahe.

Ang mga bayan na nagsasalita ng Pangasinan ay matatagpuan sa sentrong bahagi ng probinsya habang ang mga nagsasalita ng iloco  na lenggwahe ay nasa Eastern at Western ng lalawigan.

Panahon na rin umano na kilalanin ng mga pangasinense ang kagandahan ng probinsya na maipagmamalaki sa ibang lugar bago sila makahikayat ng mga bisita na pumasyal dito sa lalawigan. Napakasaya umano na mapakinggan mula sa mga bisita na maganda ang Pangasinan.

Speak Your Mind

*