Isang lawa sa San Jacinto, idi-develop upang maging pook pasyalan sa Pangasinan.

Balak idebelop na bayan ng San Jacinto, Pangasinan ang isang maliit na lawa sa Brgy. Labney, San Jacinto, Pangasinan upang maging isang pook pasyalan.

Ayon kay San Jacinto Mayor Robert De Vera, nadiskubre ang nasabing lugar matapos ang isinagawang Tree Planting Activity ng mga miembro ng Local Government (LGU’S) at Department of Education (DEPED).

Inimungkahi umano ng mga gurong dumalo sa tree planting na taniman ng mga punong kahoy ang tabi ng lawa at lagyan ng mga shed ang paligid dahil magandang itong lugar para sa pagpipinic ng pamilya.

Sinabi naman ni De Vera na sakaling matuloy ang nasabing plano, maituturing itong ipaka-unang Tourist Spot sa kanilang bayan kung saan ang lugar ay may malamig na simoy ng hangin na angkop sa isang pook pasyalan.

Ang nasabing proyekto rin ay bilang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa panagawan ng Povincial Government na suportahan ng “I Love Pangasinan Campaign” na bahagi ng selebrasyon ng Tourism Month.

Speak Your Mind

*