Livelihood Assistance ng DOLE, ipinagkaloob sa ilang samahan dito sa Pangasinan.

Tumanggap ng capital assistance ang labintatlong associations ng pangasinan na nagkakahalaga ng P1,434,630 mula sa Department of Labor and Employment DOLE-Regional Office.

Ang Livelihood Assistance, ay mula sa kabuhayan program ng DOLE, na gagamitin para sa pagtatayo ng farming supplies stores na pangangasiwaan ng mga benepisaryo mula sa mga bayan ng Sta. Maria, Umingan at Rosales, Pangasinan.

Nakita ng 348 beneficiaries na maganda ang nasabing proyekto dahil ang pagsasaka ay pangunahing kabuhayan sa kani-kanilang barangay.

Sinabi ni Araceli Pagaduan, presidente samahan ng mga kababaihan ng paitan sa bayan ng Sta. Maria, na makakatulong ang proyekto upang makadagdag sa kita ng pamilya at matugunan din ang mga problema ng mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng mga kailangan sa sakahan.

Speak Your Mind

*