Lungsod ng Dagupan, kabilang sa Most Livable Community sa bansa.

Kabilang ang lungsod ng Dagupan dito sa lalawigan ng Pangasinan sa ilang lugar sa Pilipinas sa mga pagpipilian para sa International Awards for the Most Livable Communities 2011 na gagawin sa Seoul, South Korea sa Oktubre 27 hanggang 31 sa taong ito.

Kasama ng Dagupan ang Las Piñas City, Iloilo City, at San Fernando City sa Pampanga sa mga pagpipilian para sa nasabing kompitisyon.

Ang LiveCom Awards ay isang International Competition na inendorso ng UN Environment Program para sa mga komunidad na nagbibigay pansin sa Environmental Management at sa paggawa ng livable community.

Samantala, kabilang sa makakalaban ng Pilipinas ang Bilbao Municipality sa Spain; Bordeux, France; Gangdong-Gu, Korea; Ankara Municipality, Turkey at Nanjing, People’s Republic Of China.

Speak Your Mind

*