Pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa lalawigan ng Pangasinan, nakakaalarma.

Nakakalarma na rin umano pagdami ng magkakasakit ng human immuno deficiency virus (HIV) at acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa buong Region I at dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Sonshineradio, bagamat hindi inihayag ni Dr. Jocelyn Tiongson ang HIV/AIDS Program Coordinator ng DOH sa Pangasinan at Social Hygience Clinic Officer ng Dagupan ang kabuunang bilang sa lungsod ay iniulat naman nito na nasa 7, 235 na kaso ang naitala ng bansa hanggang buwan ng hulyo 2011 mula noong 1984.

Nakakaalarma umano ito dahil hindi na bumababa ang bilang ng kaso ng HIV-AIDS bagkos nadadagdagan pa ito taon-taon wala pa sa tala ang hindi pa nagpapakonsulta sa doctor.

Marami na din aniya ang HIV/AIDS cases sa Rehiyon Uno na umaabot sa 109 lalo na dito sa lalawigan ng Pangasinan na 52 HIV/AIDS cases bagamat hindi niya inihayag ng data dito sa lungsod ng Dagupan dala ng Law of Confidentiality.

Bunsod nito, ipina-alala ni Dr. Tiongson na maging responsible sa sariling katawan, iwasan ang pakikipagtalik sa hindi asawa at walang proteksyon gaya ng condom at iwasan din karayom na naiturok sa ibang tao na may HIV/AIDS.

Speak Your Mind

*