PESO, may bakante pang 150 slots para sa Special E-Passport Service Project ng Provincial Government.

Nananawagan ang Provincial Employment Service Office (PESO) ng Pangasinan sa lahat ng gustong maka-avail ng Passport, meron pa umanong isang daan at limampung slots na available sa ilalim ng Special E-Passport Service Project ni Gov. Amado T. Espino Jr.

Lahat ng mga kwalipikadong aplikante ay sasakay ng libre sa Provincial Bus ng Pangasinan na papuntang DFA Office sa lungsod ng San Fernando, La Union at libre ding sakay sa pag-uwi.

Maaaring makakuha ng Application Form sa tanggapan ng PESO sa lahat ng Munisipyo at Syudad ng probinsya.

Nakatakda naman ang pagpunta sa DFA Office sa October 15 at ang huling araw ng pagsumite ng Application Forms at iba pang dokumento ay sa huling araw o a-trenta ng Setyembre ngayong taon.

Speak Your Mind

*