Pinsala ng bagyong mina na mahigit sa 15 milyong piso sa agrikultura sa Pangasinan, posibleng madagdagan pa.

Ipinalabas na kahapon ni Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr ang mga heavy equipments upang isagawa ang clearing opeartions sa mga kalsadang natabunan ng lupa at mga kahoy partikular ang mga bayan San Fabian, Mangaldan, Lingayen, Calasiao at Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, umaabot sa 431 na pamilya ang nasa mga evacuation centers ngunit 348 ang bumalik na sa kanilang mga tahanan at 83  na lamang ang natira na mga evacuees.

Tatlong daang pakete naman ng relief goods ang hiniling ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC, sa ilang mga bayan na ipinamigay sa biktima ng bagyo.

Base rin sa report ng PDRRMC, sampung kabahayan ang totally damaged at labing apat naman ang partially damaged dahil sa bagyo.

Umaabot din sa P15.8 m nasira sa agrikultura at maari pa umanong tataas ang halagang ito pag makumpleto na ang report ng mga ibang bayan sa lalawigan.

Speak Your Mind

*