Regional Invention Contest and Exhibit ng DOST, isasagawa sa Rosales Pangasinan.

Itinakda ng Department of Science and Techonology dito sa Region 1 ang pagsasagawa ng Regional Invention Contest and Exhibit sa September 27-29, 2011 sa SM City Mall sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Sinabi ni Regional Director Elsa Chan, ang three-day affair ay katatampukan ng mga inventions, utility models, industrial design at creative research works ng mga researchers at ng mga estudyante sa high school at college mula sa ibat ibang eskwelahan ng Rehiyong Uno.

Idinagdag pa ni Chan na tampok din sa nasabing event ang isang bazaar para sa DOST- Assisted Small and Medium Enterprises.

Ang tema ng aktibidad na ito ay ‘Imbensyon at Inobasyon: kabalikat sa pag-unlad, at hinihikayat ang publiko na manood at makisali sa mga exhibits at sa mga naihandang aktibidad.

Speak Your Mind

*