Boxing at football, pinatututukan ni Gov. Amado Espino sa 2012 Palarong Pambasa

Matinding paghahanda na ang ginagawa ngayon ng lalawigan ng Pangasinan para sa ika- 55 edisyon ng palarong pambansa 2012 na nakatakdang ganapin sa Mayo 6-12 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Pangsinan Gov. Amado Espino, dahil sa kasikatan nina Manny Pacquiao at ng Philippine Azkals, inaasahang pagtutuunan ng pansin ang boxing at football events.

Sinabi pa ni Espino na sisikapin ng probinsya na maimbitahan si Pacquiao o ang Azkals na si Chieffy Caligdong para maging panauhin para sa opening ceremony ng Palarong Pambansa.

Matatandaan na si Chieffy Caligdong ng azkal ang dating Golden Boot winner sa 2011 Long Teng Cup sa Chinese-Taipei, ay naglaro sa Palarong Pambansa para sa Western Visayas team.

Samantala, bukod sa football at boxing, ang iba pang lalaruin sa 2012 Palarong Pambansa ay ang athletics, arnis, badminton, baseball, basketball, chess, gymnastics, sipa, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis at volleyball.

Karamihan naman sa sports events na naka­hanay ay gagawin sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan, habang ang iba ay idaraos sa bayan ng Binmaley, Calasiao at lungsod ng Dagupan at San Carlos. (Lorraine Caparros – Dzrd News)

Speak Your Mind

*