Dry run ng kalutan ed dalan ng Malangsi Festival sa bayan ng Bayambang, matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang dry run ng kalutan ed dalan sa bayan ng Bayambang, Pangasinan bilang paghahanda para sa taunang selebrasyon ng Malangsi Festival na gaganapin sa darating na buwan ng Abril.

Ayon kay Mayor Ricardo M. Camacho, layunin ng lokal na pamahalaan na maisulong ang bayan ng Bayambang bilang fresh fish producing municipality ng Pangasinan.

Buong pagsisikap ang ginagawang paghahanda para sa mas maganda at matagumpay na ‘’kalutan ed dalan” na gaganapin sa Abril a-trese, ang pinakatampok sa Malangsi Festival.

Kasabay sa nangyaring kalutan dry run ang selebrasyon ng mga birthday celebrants ng mga staff at empleyado ng munisipyo nitong buwang kasalukuyan.
Lyrna Hernandez – Dzrd News)

Speak Your Mind

*