JMC Kings Davao, naghari sa katatapos na 64th NSBC sa Dagupan City.

Pinagharian ng JMC Kings ng Jose Maria College ng lungsod ng Davao ang championship games matapos paluhurin ang kalaban na EAC o Emilio Aguinaldo College ng NCR sa score 80-78 sa 5 minutes overtime, sa katatapos lamang na 64th National Student Basketball Championship (NSBC) sa ilalim ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa CSI Stadia, Astrodome, Lungsod ng Dagupan, Biyernes ng gabi Marso 2, taong 2012.

Pinangunahan ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernadez, ang Regional Director ng BAP kasama si Dagupan City Councilor at former BAP Region I Director Luis “Chito” Samson Jr., at National BAP President, at Secretary-General Graham Lim sa pag-gagawad ng tropeo sa JMC Kings.

Matatandaan na sunod sunod na pinagharian ng JMC Kings Davao sa elemination round ang ibat ibang koponan upang makapasook sa finals tulad ng Philippine Christian University (PCU) Manila, 88-68, University of Luzon, (UL) Pangasinan, 69-64, St. Louis University, (SLU) Baguio City, 80-40, San Pedro College of Business Administration (SPCBA) Laguna, 97-48 at Lyceum University of the Philipines (LPU) Manila, 86-80 habang natalo naman sa non bearing games ang JMC Kings kontra University of Cebu (UC) Cebu,72-75 .

Sa huling laban ng koponan sa semi-final ay ginupo nito ang UC, sa score na 66-49. Naging dikit naman ang laban ng JMC Kings Davao at EAC Manila sa kanilang paghaharap sa final games kung saan sa 2nd quarter ng laro ay nagtapos sa 37-33 na puntos pabor sa JMC Kings

Naging pukpukan parin ang laban ng dalawang kopona hanggang sa 4th quarter na nauwi pa sa overtime matapos na magtabla sa score na 71-71 ngunit nanaig parin ang tibay at galing ng JMC Kings nang magbigay ng kalamangang, 80-78.

Masaya naman si JMC Kings Coach Dong Cagampang sa resulta ng kanilang laban dahil sa lahat ng line-up, ang kilalang malalaki at malakas na koponan ng Emilio Aguinaldo College ay nagupo ng Kings.

Ayon pa kay Cagampang ang naging sekreto nila sa tagumpay ay ang sipag sa depensa, hindi nagmamadaling opensa at matiyak na nakokontrol ang shooter ng kalaban.

Ang koponan ay pinangunahan ni Joshua Adalid, na tinanghal na Most valuable Player (MVP), Jumabon Bulac, Jay-ar de Guzman, Kenny Guibay, Dexter Caminse, Francis Cutin, Marios Martinez, Angelo Morilla, Rey Casanillo, Aldwin Cole, Julios Escobido, Royce Olanolan, Bob Clu Ombecan, at John Refuerzo.

Samantala, laking pasasalamat naman ng mga players at mga JMC Kings Coach na si Cagampang, Dindo Pastor, Jun Ombina at JMC Sports Coordinator Mark Alemania sa President at CEO ng Jose Maria College ng Lungsod ng Davao at ng Sonshine Media Network International Pastor Apollo C. Quiboloy sa walang sawang pagsuporta sa kanilang mga laban na anila’y lalo pa nilang hahasain ang koponan bilang paghahanda sa nalalapit na 9th Asian University Basketball Championship sa Kuala Lumpur Malaysia sa June 2012. (Lorraine Caparros – Dzrd News)

Speak Your Mind

*