Malawakang operasyon laban sa iligal na droga, inilunsad ng PDEA Region 1

Inilunsad ng PDEA Region 1 ang malawakang operasyon na layuning mapababa ang bilang ng kaso sa iligal na droga.

Inilunsad ang Oplan Farmville 3, na nagbabantay sa golden green triangle na umano’y cultivator ng marijuana; ang Oplan Avatar 2 naman ay tumututok sa drug hotspot sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan na nagresulta sa neutralization ng basilan drug group.

Naging daan din sa pagkakakumpiska ng isang daang marijuana bricks ang pagkakatatag ng Oplan Barbasan.

Binabantayan din ng Oplan Basilan ang mga tiangge o drug hotspot sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan; habang ang Oplan Bonsai ay nakatutok sa top priority target sa lalawigan ng Pangasinan at ang Oplan Bads naman sa probinsya ng La Union.
(Benjie Lagazo – Dzrd Newscenter)

Speak Your Mind

*