Pagsasa-pribado ng Seafood Processing Plant, kasado na

Natapos na rin usapin ukol sa operasyon ng Seafood Processing Plant na pinondohan ng pamahalaan ng Korea sa lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng isang desisyon ng apat na grupo na isapribado ang naturang planta.

Ayon kay City Mayor Benjamin Lim, isang kasunduan ang babalangkasin at lalagdaan sa loob ng 45 araw ng apat na partido na kinabibilangan ng departamento ng ehekutibo at lehislatibo ng pamahalaan ng Dagupan, kagawaran ng pagsasaka at kawanihan ng pangingisda at tubig yaman.

Ayon sa napagkaisahan sa isinagawang Executive Session, isang seven-man board ang gagawa ng mga polisiya at iba pang tuntunin para sa operasyon ng planta ng isang pribadong korporasyon na mapipili.

Ayon kay Lim, panahon na upang maresolba ang isyu tungkol sa planta upang magamit na ito at makapagbigay hanap buhay sa mga dagupenyo. (Benjie Lagazo – Dzrd Newscenter)

Speak Your Mind

*