Pangasinan PNP, suportado ang “Pulis Makakalikasan” anim na puno, itatanim ng bawat isang pulis kada buwan.

Nakikiisa ang Provincial Police Office (PPO) Pangasinan sa target ng Philippine National Police (PNP) na makapagtanim ng 10 milyong puno sa loob ng isang taon.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Benjamin Ocomen ang Public Information Officer ng Pangasinan Police, matapos suportahan ng kanilang Chief of Police ang National Greening Program (NGP) ng DENR at ikasa ang “Pulis Makakalikasan: 10 Milyong Puno, Pamana sa Kinabukasan”.

Sinabi ni Ocomen na bawat isang pulis sa lalawigan na may kabuuhang 2,292 ay kinakailangang makilahok at magtatanim ng anim na puno kada buwan na sinimulan noong nakaraang buwan ng Pebrero at magtatapos naman sa susunod na taong 2013.

Bukod aniya sa pagpapaigting ng PNP sa Peace and Order ay mahalaga din na magampanan ng kapulisan ang pagtulong sa kalikasan lalo na sa nakakalbong kabundukan.

Idinagdag ni P/Senior Inspector Wilfredo Dacanay, ang Pangasinan Police Community Officer na isang MOA o Memorandum of Agreement na kanilang ang isinagawa sa pagitan ng Pangasinan Task Force Kalikasan at pulisya kasama ang DENR Officer upang malaman ng kapulisan ang kanilang responsibilidad.

( Lorraine Caparros – Dzrd News Center )

Speak Your Mind

*