Patimpalak sa pagluluto ng pinakamasarap na litson, tampok sa Bangus Festival 2012

Nakatakda na sa Abril a-beynte kwatro ang patimpalak sa pagluluto ng pinakamasarap na litson, bilang bahagi sa pagdiriwang ng Bangus Festival 2012 sa lungsod ng Dagupan.

Ang nasabing patimpalak ay bukas sa lahat ng mga litsonero sa boung bansa kung saan lulutuin lamang dito ang mga baboy na pinalaki sa organic feeds.

Naniniwala si Councilor Brian Lim, Chairman ng Bangus Festival 2012, na mas masarap at walang mabahong amoy ang lulutuing baboy na pinalaki sa organic feeds.

Idinagdag pa ni Coun. Lim na mahigit tatlumpung participants na ang nagpahayag ng kanilang interes na sumali kung saan ang mananalong recipe ang gagamiting para sa lechon delicacy ng Dagupan.

Speak Your Mind

*