Organisasyon ng mga pamilya ng OFW sa Pangasinan, isinusulong

Isinusulong ng Overses Filipino Worker’s (OFW) Desk ang pag-organisa ng asosasyon ng mga pamilya ng mga Pangasinenseng nasa ibayong dagat.

Ayon kay Elizardo Laureta, OFW Desk Consultant na mas magiging malakas ang puwersa ng mga pamilya ng OFW kung sila ay organizado sa pakikipag-ugnayan sa ahensya ng gobyerno upang madaling matugunan ang kanilang mga hinaing.

Aniya, ilan sa mga na-organisa na ang mga pamilya ng OFW sa bayan ng Villasis, Rosales, Bugallon, Binmaley, Aguilar Lingayen, Natividad, Umingan, Alcala at bayan ng Bautista.

Sinabi pa ni Laureta na isusunod na rin ang mga pamilya ng mga OFW’s sa bayan ng Sual at Labrador na target na matapos sa darating na Octobre 29, 2012.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng OFW Desk ang mga pamilya ng mga OFW’s na makipag-ugnayan sa mga Municipal Employment Services Office sa kani-kanilang lugar para sa karagdagang impormasyon. (Roger Codnita – Dzrd News)

Speak Your Mind

*