Region 1, pumangalawa sa National Skills Competition ng TESDA.

Muling nagtagumpay ang Technical Education and Skills Development Authority, (TESDA) Region 1 sa pagsasagawa ng Philippine National Skills Competition

Layunin nitong maitaguyod at mapagtibay ang kalidad ng teknikal na edukasyon at programang angkop sa pagpapaunlad ng kasanayan ng bawat indibidwal para makamtan ang mahigpit na kompetisyun alinsunod sa R.A. 7796 o TESDA Act of 1994.

Ayon kay Barbara Jane Pablico, Supervising Specialist ng TESDA Region 1, ang Ilocos Region na kinabibilangan ng lalawigan ng Pangasinan ay nasungkit ang pangalawang puwesto mula sa labimpitong rehiyon na lumahok sa nasabing aktibidad kung saan pinangunahan ito ng Region 3.

Kahit hindi nakuha ang Rehiyon Uno ang titulo ng kada kategorya, hindi naman sila napapalayo sa mga nanalo sapagkat sila ay pangalawa sa welding at automobile technology at pang-apat sa electrical installation na kategorya. (Benjie Lagazo)

Speak Your Mind

*