136 na aplikante, agarang nakapasok sa trabaho Job Fair ng DOLE Region 1.

Iniulat ng Department of Labor and Employment Region One na may 136 na aplikante ang agarang nakapasok sa trabaho sa isinagawang Labor Day Job and Livelihood Fair na ginanap sa SM City sa bayan ng Rosales Pangasinan.

Ayon kay Jeri Dee Orate, Labor Employment Officer and Labor Communication Officer designate ng DOLE, may 78 posisyon ang naukupahan na kinabibilangan ng kawani ng opisina, nars ng paaralan, pharmacy assistants, call center agents, it personnel, insurance agents at kahera.

Habang para sa overseas na trabaho, 58 posisyon na domestic helpers, factory workers, nars, computer technicians, auto mechanic, accountants, electricians at office staff ang mga trabahong nakuha ng 17 overseas recruitment agencies at 56 na mga lokal na etablisyimento na nakilahok sa job fair.

Speak Your Mind

*