67 Summer Job Students ng Pangasinan, sumuweldo na

Personal na inabot ni Provincial Administrator Raffy Baraan ang sweldo ng mga animnaput pitong studyante na kabilang sa mga nabiyayaan ng  dalawampung araw na summer job ng Provincial Government at ng Department of Labor and Employment (DOLE)

Ayon kay Baraan, sa 364 pesos na minimum wage na kada araw na sweldo ng mga studyante ay 40% ang ibinigay ng DOLE habang ang 60% ang ipinagkaloob ng probinsya.

Ang mga studyante na nag-summer job ay itinalaga sa ibat-ibang district hospitals sa lalawigan kung saan malapit ang kanilang lugar.

Ayon pa kay Baraan, isang paraan ito upang ma mulat ang mga kabataan sa disiplina, pagsisikap at professionalismo na kanilang haharapin. (Roger Codnita – DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*