Annual Labor Day Livelihood and Jobs Fair, isasagawa ngayong araw sa bayan ng Rosales

Nakatakda ngayong araw, Mayo Uno, ang pagsasagawa ng Annual Labor Day Livelihood and Jobs Fair na may temang: ‘pagtutulungan, pagbabago, disenteng trabaho’,

ito ay gaganapin sa bayan ng Rosales, Pangasinan at magsisimula sa oras ng alas otso y media ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ayon kay Regional Director Grace Ursua, mahigit pitumpung establishments, local at overseas employment, ang inaasahang kasali sa nasabing Mega Jobs Fair at mahigit isang libong trabaho ang naghihintay para sa lahat ng mga interesadong magkaroon ng trabaho.

Pinapayuhan ni Provincial Employment Services Office Manager Alex Ferrer  ang mga job hunters na magdala ng kumpletong requirements kagaya ng resumey, photocopies ng credentials, latest photos , at isusumite sa ahensya kung saan sila kwalipikado sa nais nilang trabaho. (Benjie Lagazo – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*