Bagong Presinto ng pulisya sa Tapuac District, pinasinayaan

Pinasinayaan na ang itinayong Police Community Precinct Tapuac District dito sa lungsod ng Dagupan at malaking tulong ito para sa kapulisan na mapanatili ang peace and order sa lungsod.

Sinabi ni P/Supt. Romeo Caramat, Jr., Chief of Police ng Dagupan City, ang pagpapatayo ng nasabing presinto ay inirekomenda ni Atty. Gonzalo Duque, ang presidente ng Pangasinan Press Club (PPC) at Lyceum Northwestern University matapos ang mga napabalitang petty crime at fraternity war na sumiklab umano sa nasabing lugar.

Sa pagsuporta ni Fourth District Representative Georgina de Venecia, ang proyektong ito ay naging matagumpay.

Napapanahon din ang pagbubukas nito sa pag-umpisa ng klase ng mga mag-aaral ngayong hunyo

Inaasahan na mababantayan at maiwasan na ang mga criminal incidents na karamihang biktima ay mga estudyante.

Speak Your Mind

*