Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez, sinuportahan ang pagpapatupad ng death penalty

Nagpahayag ng buong pagsuporta si Dagupan City Vice-Mayor Belen T. Fernandez sa suhestyon ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Antonio ‘Bebot’ Villar para sa pagpapatupad sa death penalty bilang punishment para sa mga drug pushers.

Ang death penalty umano ay maaaring epektibong paraan para masugpo ang lumalalang problema sa iligal na droga.

Matatandaan na maigting na isinasagawa ng dangerous drugs board ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.

Hinahamon pa ni Villar ang incoming Police Provincial Director na ilagay sa kanyang prayoridad ang pagsugpo ng iligal na droga.

Speak Your Mind

*