Deped sa lungsod ng Dagupan, handa na sa pag-papatupad ng K to 12 Program.

Handang handa na ang Department of Education (DepEd-Dagupan) sa pagbubukas ng panibagong school year na magsisimula sa Hunyo 4.

Sinabi ni Dr. William Macob ang Deped-Dagupan Education Program Supervisor na hindi na kailangang mag-linis ng silid aralan ang mga studyanteng papasok sa unang araw ng klase dahil sa isinagawang Brigada Eskwela kamakailan.

Tiniyak din ni Macob ang kahandaan ng kanilang ahensya sa pagpapatupad ng K to 12 basic education program ng Deped na aniya’y buong buwan ng Abril at Mayo ang ginagawang pag-aaral at training ng mga guro bilang preparasyon.

Matatandaan na ang K to 12 Program ay inumpisahan ng ipatupad ng Deped noong school year (SY) 2011-2012 sa layuning maabot ang Millennium Development Goal (MDG) patungkol sa edukasyon at makapantay sa ibat-ibang bansa sa mundo pagdating sa edukasyon. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*