Ika-30 Anibersaryo ng OWWA Region 1, matagumpay

Naging masaya ang pagdiriwang ng ika-30 na anibersaryo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil tampok ang iba’t-ibang presentasyon ng mga anak ng mga OFW’S at ng mga empleyado ng ahensya.

Nagkaroon din ng sari-saring parangal para sa mga kawani ng nasabing tanggapan dahil sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa kani-kanilang mga trabaho.

Ilan sa mga parangal na ibinahagi ay ang mga sumusunod: perfect attendance award, innovation award, mentor award, customer service excellence, ms. Dedication award, years of service award, leadership award at iba pa.

Nagpasalamat din ang Officer-in-Chief ng OWWA Region 1 na si Esperanza C. Cobarrubias sa kanilang mga katuwang na ahensiya tulad ng Social Security System (SSS), Pag-Ibig Fund, Philippine Information Agency (PIA), Department of Trade and Industry (DTI) gayundin, ang DOLE dahil sa walang sawang pag-suporta sa kanila.

Speak Your Mind

*