Ilang magsasaka sa bayan ng San Manuel, umaangal na.

Umaangal na ang ilang magsasaka sa bayan ng San Manuel, Pangasinan dahil sa patuloy na pag-init ng panahon.

Ito’y matapos ihayag ng pamunuan ng San Roque Multipurpose Dam, na bumaba na ang level ng tubig ng dam na umaabot sa 236 above sea level.

Nangangamba ang ilang magsasaka partikular sa Barangay Cabacaraan na baka isara ang kanilang mga patubig kapag nagkulang na ang supply ng tubig at maging dahilan ito ang kanilang pagkalugi sa mga pananim na palay at gulay.

Gayunpaman, Tiniyak naman ni Engr. Tom Valdez, ang San Roque Power Corp. Vice President for Corporate Social Responsibility na makakasapat pa ang naturang tubig hanggang Mayo a-kinse. (Allan Tigulo – Dzrd Reporter)

Speak Your Mind

*