Makati City’s Urban Search and Rescue (USAR) Team, magsasagawa ng pagsasanay dito sa Dagupan

Kasalukuyang naghahanda ang City Disaster Risk Reduction Management Council ng Dagupan para sa isasagawang pagsasanay kaugnay sa search and rescue seminar na pangungunahan ng Makati City’s Urban Search and Rescue (USAR) Team.

Tatlumpung participants ang napiling makibahagi dito mula sa mga Component Government Offices ng City Council at mga Partner Volunteer Group.

Ang nasabing pagsasanay ay nakatakda sa June 12-14 ngayong taon, na gaganapin sa BSL Hall, Deped Dagupan Office.

Ayon kay Vladimir T. Mata, ang City Administrator ng Dagupan, sa unang dalawang araw ay isasagawa ang lecture at sa nalalabi pang araw ay para sa aktwal na pag-aaral sa search and rescue. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*