Malilinis na ilog sa Pangasinan, pinarangalan

Binigyang parangal sa Pangasinan ang mga lungsod, bayan at barangay na may malilinis na ilog sa ginanap na PAKAR Awards sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ayon kay Dalisay Moya, ang hepe ng Agrikultura sa lalawigan, layunin ng patimpalak na kilalanin ang pagsisikap ng mga kawani ng pamahalaan at mga non-governmentorganization na alagaan ang mga ilog at paramihin ang mga ‘pakar’ o bakawan dito.

Ang nagwagi sa kategoryang “Inland River” ay ang bayan ng Mangaldan. Tinagurian din itong “hall of famer” dahil sa tatlong beses na nitong naiuwi ang parehas na parangal.

Nasungkit naman ng bayan ng Bolinao ang panalo sa kategoryang “coastal river”, kung saan ang mga nanalo ay tumanggap ng tig isandaang libong piso.

Samantala, binigyan din ang parangal ang mga barangay na may pagmamalasakit sa kanilang mga ilog.

Isa na rito ang barangay dupo sa bayan ng Binmaley na nagwagi sa Category ‘A’. Sa kategoryang ito nabibilang ang mga lugar na natulungan na ng pamahalaan para linisin ang kanilang ilog, sa pangunguna ng task force kalikasan na inilunsad ni Gov. Espino.

Kinilala naman ang barangay Bued sa lungsod ng Alaminos bilang  kampeyon sa Category ‘B’. Ang mga barangay sa kategoryang ito ay hindi pa naaabot ng tulong ng pamahalaan subalit napapanatili pa rin nila ang kalinisan ng kanilang ilog.

Naparangalan din ang ilang magagandang proyekto ng lokal na pamahalaan sa ng bayan ng Infanta na itinanghal bilang “model LGU in watershed protection project: enforcement of zero charcoal production.”

Speak Your Mind

*