Pagpapatitulo ng milk processing plant sa Asingan, minamadali.

Naantala ang pag-uumpisa ng operasyon ng Milk Process Plant sa Bayan ng Asingan, Pangasinan.

Ito ay dahil sa hindi pa umano naililipat ang ownership o titulo ng lupa sa pangalan ng lokal na pamahalaan ng Asingan kayat hanggang sa kasalukuyan ay nagiging kumplikado pa rin ang status ng nasabing planta.

Tiniyak naman ni Elmiterio Laruya, ang Municipal Administrator ng Asingan na posibleng sa susunod na buwan ay matapos na rin ang pagpapatitulo at mailakad na rin ang mga kaukulang equipment sa pagproproseso ng mga gatas ng mga kalabaw.

Sinabi pa ni Laruya na handing magbigay si Pangasinan Governor Amado T. Espino ng 2 milyong piso para sa pagpapabakod ng naturang lote at pag-papaganda sa compound at kabuuang gusali ng naturang planta.

Umaasa naman si Laruya na malaki ang maitutulong ng nasabing planta dahil ang lahat ng gatas ng kanilang kalabaw ay sa bayan na ng Asingan ipo-proseso. (Allan Tigulo – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*