Pangasinan, alternatibong pasyalan na ng mga turista.

Welcome development umano para sa Provincial Tourism Office ng Pangasinan ang pagbisita ni Miss Conbusac 2012 sa lalawigan.

Ito ang sinabi ni Pangasinan Tourism Officer Maria Luisa Elduayan sa pagbisita ng Riegning Conbusac 2012 na sina Ms. Tessie La Mourea at Ms. Conbusac Tourism Lorraine Galang ng mula sa lalawigan ng Bohol.

Ayon pa kay Elduayan, ibat ibang lahi at grupo ang kanilang naitatalang bumibisita sa Capitol Complex na bunga aniya ng kanilang pagpo-promote sa lokal na turismo ng lalawigan.

Dahil dito, mas palalawakin pa aniya ang kanilang pamimigay ng impormasyon upang maging alternatibong destinasyon ang lalawigan ng Pangasinan. (Roger Codnita  _ DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*