Pangulong Aquino, pinasalamatan ang mainit na pagtanggap ng mga opisyal ng Pangasinan

Tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III ang patuloy na suporta ng kanyang administrasyon sa Sports Development sa bansa patunay na ang paglalaan ng Deped ng P205 million upang maging maayos ang takbo ng palarong pambansa.

Isa ito sa naging pahayag ni Pangulong Aquino sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2012 na ginaganap kahapon sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan.

Nanawagan din ang pangulo sa lahat ng mga atleta na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging matagumpay sa larangan ng sports at maging halimbawa sa iba pang mga kabataan.

Inihalimbawa ng pangulo ang mga kilalang naging atleta ng ating bansa na sina Lydia De Vega at Elma Muros na umabot hanggang Olympic Games, ganon din sina Danny Ildefonso, Marlou Aquino at iba pang mga kilalang pinoy athletes maging sa larangan ng football tulad ni Chieffy Caligdong ng Azkals na nagsimula sa palarong pambansa. (Benjie Lagazo – Dzrd Newscenter)

Speak Your Mind

*