RONDA, pinaghahandaan na ang selebrasyon ng National Nutrition Month sa Dagupan

Isasagawa ng Regional Organization of Nutrition Development Advocates (RONDA) dito sa lungsod ng Dagupan ang isang pagpupulong upang paghandaan ang nalalapit na selebrasyon ng National Nutrition Month na natakda sa buwan ng Hulyo.

Ito ang inihayag ni Nutrition Program Coordinator Victoria Mañez, kung saan nakatakda ang pagpupulong ngayong darating na araw ng Huwebes, Mayo a-trenta’y uno.

Sinabi ni Mañez, na layunin nitong pag-uusapan ang mga plano at aktibidad sa nasabing pagdiriwang at pinakamahalaga dito ang pagsusulong sa paggamit ng  iodized salt.

Ang ronda ay isang organisasyong panrehiyon na pinamumunuan ng Department of Health’s National Nutrition council, na kinabibilangan ng Government Agencies at Non-Government Organizations na nagsusulong o advocate ng wastong nutrisyon. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*