Scholarship grant ni Rosales Mayor Revita, lumubo

Patuloy sa paglubo ang mga scholars sa kolehiyo ang bayan ng Rosales, Pangasinan sa pamamahala ni Mayor Ricardo Revita.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa limang daang mag-aaral sa kolehiyo ang beneficiaries ng Scholarship Program ni Mayor Revita na nagkakahalaga ng limang milyong piso kada taon.

Sampung libong piso ang alokasyon sa bawat scholar sa loob ng isang taon hanggang sa makatapos ito sa kolehiyo.

Ayon pa kay Patricia Revita, ang maybahay ng alkalde, patuloy pang nadadagdagan ang mga beneficiaries ng scholarship ni Mayor Revita dahil nagdagdag pa uli ng dalawang milyong piso ang alkalde sa loob ng isang taon para mapagbigyan lahat ng mga kwalipikadong aplikante dito. (Jun Dumlao – Dzrd Reporter)

Speak Your Mind

*