Sports Activity sa bayan ng San Jacinto, handa na.

Puspusan na ang paghahanda ng mga residente sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan kaugnay sa pagdiriwang ng kanilang nalalapit na Kapistahan na gaganapin sa ika-17 buwan ng Mayo.

Sa katunayan, nakahanay na umano ang kanilang mga sports activity gaya ng basketball, badminton, table tennis, volleyball at iba pang indoor activity na lalahukan ng 19 barangay sa bayan ng San Jacinto.

Nais umano Mayor Romero De Vera, na maging masaya at masigla ang selebrasyon ng kanilang town fiesta sa pamamatigan ng partipasyon ng mga mamamayan ng San Jacinto.

Dahil dito, todo suporta ang mga barangay officials kung saan ay may kanya-kanya nang manok o entry sa lahat ng mga nakalinyang aktibidad.

Speak Your Mind

*