Taekwondo elementary compition, matagumpay sa Dagupan

Pinangunahan ni Dagupan City Administrator Vladimir Mata ang pagsasabit ng mga medalya at mga gantimpala sa mga nanalo ng Taekwondo Elementary Competition ng kasalukuyan pa ring palarong pambansa 2012 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Angat sa Elementary girls ang Region X na nakakuha ng 4 na ginto at 1 silver, sinundan ng Region XI na may 1 ginto at 1 bronze medal, at pangatlo ang NCR na may 1 gold at isang silver sa ibat-ibang category.

Samantala ang Region VI naman ang nanguna sa Boys Elementary na nakakuha ng 3 ginto, sinundan ng Region IVA na nakakuha ng 1 ginto at 1 silver, pasok naman sa ikatlong pwesto ang Region VII na may isang ginto at isang bronze sa ibat-ibang kategorya parin.

Inaasahan ding magiging mainit ang labanan ng kupunan buhat sa ibat-ibang rehiyon ngayong araw para sa taekwondo secondary competition sa pagpapatuloy pa rin ng Palarong Pambansa 2012. (Ronel Calderon – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*